Monday, August 15, 2011

Nakaka.... ang maging ina

Sa totoo lang  dalawang linggo mahigit na kaming walang tulog o puyat ng asawa ko dahil sa pagbabantay sa aming anak na si Ziah.

Nakakagulat at nakakabigla ang mga pangyayari... pero naniniwala kami na ito ay kaoloban ng ating Poong Maykapal na Siyang may takda ng lahat ng bagay.

Nakakapuyat ang maging magulang: dahil huli ka na nga matutulog dahil aasikasuhin mo ang kakailanganin ng anak mo at ikaw/kayo pa ay pagising-gising para magpalit ng diaper kung ito ay puno ng ihi at pupu at mag timpla ng gatas sa tuwing siya ay nagugutom.

Nakakangalay at nakakangawit din sa kakakarga sa kanya sa tuwing siya ay umiiyak na di mo naman alam kung bakit. Bibigyan mo ng gatas ay ayaw naman dedein, kakargahin mo at isasayaw-sayaw pero ayaw pa rin tumahan sa di malamang dahilan.

...at higit sa lahat...

nakakapagbigay ng di maipaliwanag na ligaya ang magkaroon ng Ziah sa buhay at bahay namin. Noon nananalangin kaming mag-asawa na bigyan na kami ng Diyos ng isang anak at di namin inisip na sa ganitong pamamaraan Niya kami pagkakalooban. Oo, may plano kami pero mas higit na maganda ang plano ng Diyos di lang sa aming buhay maging sa batang ibigay Niya sa amin.

Nagpapasalamat kami dahil pinili kami ng Diyos na pagkatiwalaan upang alagaan ang munting prinsesa.


No comments:

Post a Comment