Monday, March 25, 2013

Ang kulet mo anak!

na-iiyak ka kasi gusto mong matulog habang may ginagawa akong iba. Nung ihinto ko ginagawa ko at tinabihan kita biglang kang tumayo at tumakbo papalayo at naglaro.
Gusto kong ituloy ang paglalaba ko para matapos ng maaga pero di ko magawa dahil sinasamahan mo ko sa labahan at naglalaro ka.
Habang umaandar ang washing machine ay pinatay ko nalanga ng tv para makatulog ka pero para bang mas lalo ka pang ginaganahang maglaro at bantayan ako na pumunta sa labahan para sumunod ka.
Baliktad na ito... sa halip na ikaw ang binabantayan ko... ako na ngayon ang binabantayan mo.

Kaya ang sangkatutak kong labahin ay nandun lang pasensyosong nag-aantay na muli kong balikan.

No comments:

Post a Comment